Monday, June 21, 2010

Nagbago At Magbabago

Tahimik ang mundo ko noon. Kasama ang pamilyang hindi ko maaaraing angkinin, sapagkat hindi 'to buong akin. Nag-aaral. Marunong mag-isa. Sanay mag-isa.. Halos walang maituring na sariling kaibigan. Lahat sila may sariling mundo rin. Humarap ako sa salamin, wari walang problema sa buhay kung inyong makikita. Ngunit sa pagtagal ng pagtitig, makikita mo ang totoong mukha ng isang taong gusto lang makaramdam ng pagmamahal ng sariling magulang.. Sariling pamilya na maaari nitong angkining kanya..

Napadpad sa isang simbahan. Nakakilala ng mga bagong tao. Mga bagong tao na nagpabago ng takbo at paniniwala n'ya sa buhay.

Isa-isang nakilala. Isa-isang nakita ang lakas at kahinaan ng bawat isa..


Una ko s'yang nakilala sa isang ng makasama ko s'ya sa isang traditional dance sa lugar namin. Pareho kaming kasali doon. At hindi ko inisip, na darating araw, na makakasama ko s'ya, sa pagbabago ng takbo ng buhay ko.

Si "insan" ko yung pangalawa. Malayong kamag-anak ko sa partido ng Mama ko. Matampuhin, makulit, pero sobrang bait. Lahat 'ata ng tao kinakaibigan n'ya.

Pangatlo kong nakilala ang isang tao sa Christmas Party ng organisasyon nila. Si "mahinhin" kung kanila itong tawagin. Gawa sa kanyang kilos at pagsasalita. Mabait s'ya kung tutuusin. Masayang kasama. Hindi ko inakala na isa s'ya sa nagpabago sa'ken.

Pang-apat, nakilala't naging kaibigan ko dahil sa nilapad ng papel. Oo, nilipad na papel. S'ya si "kyut". 'yon ang tawag sa kanya. Bawal ang umangal.

At ang huli, yung taong minahal ko.. Noon.



Nabuo ang grupo. Ang mga PAZZAWAY ng simbahan. Nag-iisang babae ako. At laging nagiging dahilan ng gulo. Amninado ako.. Dahil 'yon ang totoo.




April 16, 2005, officially kaming nabuo.

Marami-rami din kaming mga pinagsaluhan.
Simula sa pagbabasaan ng ice water.
Pagtambay ng dis-oras ng gabi.
Pag-aagawan sa ulam kahit nasa plato na.
Pag-lalaro ng DOTA.
Pag-attend ng mga seminars.
Pagsisimba.
Pag-dukot ng ostia.
Paghahabulan.
Pag-sali sa kung anu-anong gawaing pang-simbahan.
Pagtawa ng palakasan.
Paglalaro sa ulanan.
Paggagala sa kung saan-saan.
Pag-mumuni-muni.
Pag-iyak..
At kung anu-ano pang kalokohan, kasiyahan, kagaguhan, o kahit na anu pang katangahan pa yan.



Madalas ako ang talo sa kahit na anong laban sa buhay. Pero hawak nila 'ko. Hindi binibitawan.. Pilit tinutulungan ibangon. Pilit tinutulungan itama. At marahil, sila ang naging dahilan kung bakit ako natutong lumaban. Natutong tumayo mag-isa.. at marahil ngayong naiwan mag-isa.


Ito na siguro yung panahon para tanggapin ang katotoohanang, wala na ang PAZZAWAY. Wala na ang mga taong bumuo nito. Nawalan na ng tiwala sa isa't-isa. Nawalan ng ganang magkita-kita. Nawalang ng dahilan upang buhayin ang unti-unting namamatay na pagkakaibigan. Naging pamilya ko sila sa maraming paraan. Sa mahabang panahon. Pero unti-unti ko ng nararamdamang, wala na. At maliit na ang tyansang, mabuhay pa ulit nag samhan ng mga taong nagkakilala sa hindi malamang dahilan.


Sila yung mga taong minahal ko sa loob ng mahigit limang taon. At patuloy kong mamahalin sa mga susunod na panahon.


Hindi ganoon kadali para iwanan ang grupong kinagisnan. Ang samahang maraming emosyon na pinagsaluhan. Hindi kayang pantayan ng kung sino at kung ano ang mga taong ito.


Hindi alam ng kung sino ang puno't dulo ng barkadahang ito. Hindi alam ng kung sino ang tunay na talambuhay ng bawat isa sa grupong ito. Hindi alam ng kung sino ang tunay na talambuhay ng barkadahang binuo sa harap ng Diyos. Hindi mo alam.. Hindi n'yo lahat alam..





May dahilan ang lahat ng ito.. At kung ano iyon, hindi ko alam.